Bagitong pulis, 1 pa patay sa outing

Sa ulat na inilabas ng Camp Gen. Simeon Ola, unang nasawi ay si Pat. Joseph Matociño Agnote, 26-anyos, binata, residente ng Brgy. Sogoy ng Castilla, Sorsogon.
File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Kapwa nasawi ang isang pulis at binata matapos malunod habang nagsu-swimming sa magkahiwalay na lugar sa Gubat, Sorsogon at Malinao, Albay noong Easter Sunday.

Sa ulat na inilabas ng Camp Gen. Simeon Ola, unang nasawi ay si Pat. Joseph Matociño Agnote, 26-anyos, binata, residente ng Brgy. Sogoy ng Castilla, Sorsogon.

Si Agnote, kasama ang tatlong iba pa ay nag-swimming dakong alas-6:30 ng umaga sa Buenavista Surf Camp, Brgy. Buenavista, Gubat, Sorsogon. Naalarma ang mga kaibigan nito nang hindi na siya umahon sa dagat makalipas ang ilang beses na pag-dive sa dagat.

Sa tulong ng mga kapwa beach goers at kasapi ng Philippine Coast Guard ay naiahon ang walang malay na biktima at isinugod sa Gubat District Hospital kung saan idineklara siyang dead-on-arrival.

Samantala, hindi na rin umabot nang buhay sa Ziga District Hospital ang binatang si Mark Darren Bonavente Belenzo ng San Lorenzo, Tabaco City, Albay matapos malunod habang naliligo sa ilog ng Brgy. Soa, Malinao dakong alas-2:30 ng hapon.

Nag-dive umano si Belenzo sa ilog pero tumama ang ulo nito sa mga bato kaya nawalan ng malay at tinangay ng malakas na agos ng tubig.

Show comments