^

Probinsiya

3 dedo sa salpukan ng tricycle at truck

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Tatlo ang patay nang masalpok ng isang humahagibis na pickup truck ang isang tricycle sa Barangay Tinoto,  Maasim, Sarangani nitong Biyernes ng madaling araw.

Sa ulat nitong Sabado ng tanggapan ni Brig. Gen. Jimili Macaraeg, director ng Police Regional Office-12 sa General Santos City, hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang mga pasahero ng tricycle na sina Loreto Zamora, Jomar Pilon at Erwin Pilon, dahil sa mga tinamong mga sugat pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nabatid na nangga­ling sa isang beach resort ang mga biktima nang mabundol ang sinasak­yang tricycle ng isang itim na Toyota Hilux pick-up truck na minamaneho ni Lilian Zamora.

Nawasak at nagkahiwa-hiwalay ang mga parte ng tricycle habang nagtamo naman ng mala­king kasiraan ang sasakyan ni Zamora na nagawi pa sa gilid ng highway na nakahagip at nakasira pa ng isang bahay na yari lang sa semi-permanent materials.

Nasa kustodya na ng Maasim Municipal Police Station si Zamora at ang pickup truck na nasangkot sa aksidente.

vuukle comment

TINOTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with