Tricycle driver tinepok sa pakwanan
SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan, Philippines — Patay ang isang 53-anyos na Tricycle driver matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Brgy. Graceville ng nasabing lungsod kamakalawa ng umaga.
Kinilala ni PCol. Relly Arnedo ang biktima na si Arnulfo Ramos ng Towerville, Brgy. Graceville.
Sa inisyal na imbestigasyon, alas-5:00 ng umaga habang nasa pakwanan ang biktima nang pagbabarilin ng hindi nakikilalang suspek.
Isang bystander ang nakarinig ng mga putok ng baril kaya tinungo niya ang lugar hanggang sa makita ang biktimang nakasubsob sa manibela ng tricycle na duguan at wala ng buhay.
Agad namang nagsagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad at tumawag ng SOCO para maiproseso ang crime scene.
- Latest