Senior citizen na rider patay sa dump truck
MANILA, Philippines — Isang 62-anyos na lalaki ang nasawi nang tumilapon sa minamanehong motorsiklo matapos na sumalpok sa isang nakaparadang dump truck sa kahabaan ng Sabutan-Paliparan Road, Barangay Paliparan 1, Dasmariñas City, Cavite kahapon ng madaling araw.
Kinilala ang nasawi na si Wilfredo Biacora Deleca, 62, residente ng Greenwoods Subd., Brgy. Paliparan 1, Dasmariñas City, Cavite.
Sa imbestigasyon ni Police Master sergeant Paulo Figueroa, bago naganap ang insidente, alas-4:40 ng madaling araw ay minamaneho ng biktima ang kaniyang Rusi motorcycle na may plate number DA74131 at mabilis na bumabagtas sa nasabing lugar nang sumalpok sa nakaparadang Howo dump truck na may plate number MAD8750 at minamaneho ni Glen Cimanes Mayor, 55 ng Balite, Rodriguez Rizal.
Hinihinalang may kabilisan ang takbo ng motor ng biktima kung kaya hindi nito nakuhang magpreno at dirediretsong sumalpok sa nasabing trak na naging dahilan ng kanyang kamatayan.
- Latest