Suspek na pumatay sa retired police general, arestado
MANILA, Philippines — Naaresto kamakalawa ng mga otoridad ang pangunahing suspect sa pagpatay sa isang retired police general noong March 19, 2022 na noon ay nanunungkulan bilang chief ng civil security service ng local government sa Cotabato City.
Sa ulat ni Brig. Gen. Allan Nobleza, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, kinilala ang suspek na si Orlan Lindungan Ayunan, 31, nang silbihan ng warrant of arrest sa kanyang hideout sa Purok Lugay-Lugay, Barangay Bagua 1.
Si Ayunan at tatlong iba pa ay may kinakaharap na kaso kaugnay ng kanilang pagpatay kay retired Police Gen. Rolen Balquin, gamit ang mga .45 caliber pistols, sa mataong bahagi ng Sinsuat Avenue dito sa lungsod.
Ang biktima na noon ay chief ng civil security service ng Cotabato City government ay dadalo sana sa isang okasyon at pababa na sa kanyang sasakyan nang lapitan ni Ayunan at tatlong kasabwat at pinagbabaril.
- Latest