^

Probinsiya

Pulis hulog sa patrol car, patay sa sagasa

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Pulis hulog sa patrol car, patay sa sagasa
Manila Police District (MPD) on January 4, 2024.
STAR/ Ernie Penaredondo

SAN MIGUEL, Bulacan, Philippines — Dobleng trahedya ang dinanas ng isang bagitong pulis matapos na aksidenteng mahulog sa sinasakyang patrol car nang manikip ang kanyang dibdib at masagasaan pa ng paparating na government vehicle kahapon ng umaga sa Brgy. Balite ng bayang ito.

Kinilala ni PCol. Relly Arnedo, Bulacan Police director ang nasawing pulis na si Patrolman Esmond John Arenas, 26, ng Brgy. Buliran, Cabanatuan City, Nueva Ecija at nakatalaga sa 2nd Provincial Mobile Force Company na nakaistasyon sa Patrol Base sa Brgy. Buhol na Mangga, San Ildefonso, Bulacan.

Sa imbestigasyon, alas-5:00 ng umaga, habang binabagtas ng biktima at ng ka-buddy niyang si Patrolman Klein Orbita na siyang nagmamaneho ng Hyundai 100 patrol car ang kahabaan ng DRT Highway nang biglang manikip ang dibdib ni Arenas at nahirapang huminga na naging resulta ng aksidenteng pagkahulog nito sa sinasakyan niyang patrol vehicle.

Nang mahulog si Arenas, agad siyang nasagasaan at pumailalim pa ang katawan nito sa isang Mitsubishi L200 (SJS 946) na government vehicle ng Nueva Vizcaya na minamaneho ni Joel Rivera, 53-anyos ng No. 16 Urban St. Ibung Villaverde, Nueva Vizcaya.

Sinikap pang isugod ng mga pulis si Arenas sa San Miguel District Hospital subalit idineklara na siyang dead-on-arrival ng atten­ding doctor.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with