^

Probinsiya

8-anyos ginahasa, pinatay sa sagingan!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
8-anyos ginahasa, pinatay sa sagingan!
Basag ang ulo, may sugat sa mukha at may marka ng sakal sa leeg ang biktimang si Roshel Matute.
STAR/File

Sinakal na, binasag pa bungo

MANILA, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit ng 8-anyos na batang babae nang matagpuan ka­makalawa ng hapon sa  Maragusan, Davao de Oro.

Basag ang ulo, may sugat sa mukha at may marka ng sakal sa leeg ang biktimang si Roshel Matute.

May indikasyon din na ginahasa ang biktima, ayon sa pulisya.

Hawak naman na ngayon ng pulisya ang “person of interest” sa krimen na si Cristobal Traña, 59.

Ayon kay Police Major Ariel Pascual, hepe ng Maragusan Police, naglayas ang biktima nang makaalitan ang kanyang ina noong Pebrero 25.

Nang hindi umuwi ang biktima bandang alas-10 ng gabi, napilitan nang magpa-blotter ang ina nito sa pulisya.

Hapon na ng Pebrero 26 nang matagpuan ang biktima sa sa­gingan sa Purok Cape 2, Magcagong Maragusan. Davao de Oro.

Sinabi ni Pascual na may ilang saksi ang nagturo sa suspek na kasama ang biktima bago natagpuang patay. Ilang personal na gamit din ng suspek ang nakita sa crime scene.

Sa kabila nito, todo tanggi ang suspek na may kinalaman siya sa kirmen at iginiit na hindi niya kilala ang biktima.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with