^

Probinsiya

4 magpamilya natusta sa sunog, 9 pa sugatan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
4 magpamilya natusta sa sunog, 9 pa sugatan
Kinilala ang mga biktima na sina Parolito Otadoy, misis na si Rosita at mga anak na sina Joseph at Jeffrey, na kapwa teenager. Natagpuan silang sunog na sunog sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Sta. Lucia, Brgy. Tinago, Cebu City.
Philstar.com / File Photo

16 pang kabahayan natupok

MANILA, Philippines — Patay ang apat na miyembro ng isang pamilya habang 9 pang residente ang sugatan nang sumiklab ang malaking sunog na ikinadamay ng maraming kabahayan kahapon ng madaling araw sa Brgy. Tinago, Cebu City.

Kinilala ang mga biktima na sina Parolito Otadoy, misis na si Rosita at mga anak na sina Joseph at Jeffrey, na kapwa teenager. Natagpuan silang sunog na sunog sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Sta. Lucia, Brgy. Tinago, Cebu City.

Sugatan naman sina Shan Ruelan, 21; Rose Ann Otadoy, 33; Jemboy Otadoy, 36 at Emmarie Otadoy, 36; pawang nagtamo ng mga sugat at sunog sa katawan.

Sa ulat ni Fire Office 3 Fubert Navarro ng Cebu City Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa isang bahay bandang ala-1:00 ng madaling araw at mabilis na kumalat ito sa ka­tabing bahay.

Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog na tumagal ng apat na oras at tumupok sa 16 na kabahayan kaya kinailangan na rumesponde ng iba pang bumbero mula sa iba’t ibang lugar upang maapula ang apoy.

Alas-5 ng madaling araw nang ideklara ng BFP na fire out ang sunog.

Sa ginawang clearing operation at inspeksyon sa mga nasunog na bahay, tumambad sa mga bumbero ang apat na miyembro ng pamilya-Otadoy na natusta sa kanilang natupok na bahay.

Sa pagtaya, nasa mahigit P7 milyon ang halaga ng mga napinsala ng sunog.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with