^

Probinsiya

Pugot na ulo, natagpuan sa Cavite

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Isang pugot na ulo na hinihina­lang may kaugnayan sa unang nadiskubreng katawang walang ulo,  ang natagpuan ka­makalawa sa kahabaan ng Congressional Road sa Brgy. Cabilang Baybay, bayan ng Carmona, dito sa lalawigan.

Halos burado na ang mukha ng ulong pugot dahil sa pagkaagnas nito nang matagpuan dakong alas-6:30 dahilan upang hindi na ito makilala.

Sa nakalap na ulat mula sa pulisya, nakatanggap sila ng tawag sa ilang residente ng nasabing lugar hinggil sa natagpuang ulong pugot sa may ilalim ng tulay ng Congressional Road, Brgy. Cabilang Baybay bayan ng Carmona.

Matatandaan na una nang may natagpuang katawan ng isang lalaki na walang ulo sa bahagi ng Avilan  road ng Brgy Lantic Carmona Cavite.

Sa pagisisyasat ng pulisya, base sa tattoo sa kanang dibdib nito na tila umano isang Chinese tattoo ito kung kaya may hinala na isang Chinese national ang biktima.

Dinala sa Cardona Funeral Homes ang pugot na ulo para isailalim sa autopsy at upang mabatid kung ito ang nawawalang ulo ng isang bangkay na natagpuan kamakailan sa nasabi ring bayan.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with