^

Probinsiya

PNP: 2 nakauniporme ng pulis sa Koronadal holdup, tukoy na

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang dalawa sa anim na suspek na nanloob sa Agencia Brillantes Jewelry Pawnshop noong nakaraang linggo sa Osmeña Street Barangay Zone 1, Koronadal City gayundin ang kanilang pinagtataguan.

Ayon kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., kilala na nila ang dalawang suspek nakasuot ng PNP Athletic uniform at nanloob sa jewelry shop. Ang dalawa ay hindi mga tunay na pulis.

“May mga nakuhanan na tayo ng mga statements identifying the suspects and we have some leads. Unfortunately, hindi ko puwede sabihin ngayon that will help us better pursue leads para hindi naman maalarma,” ani Acorda.

Dahil dito, inutos ni Acorda ang inspeksiyon sa mga tindahan ng police uniforms kung saan ginamit ng mga suspek ang uniporme na para lang sa mga miyembro ng PNP upang malayang mapasok ang sanglaan.

Sinumang mahuhuling gumagamit ng police uniforms at magpapanggap na mga pulis ay kakasuhan ng usurpation of authority at illegal use of uniform and insignia sa ilalim ng  Articles 177 at 179 ng  Revised Penal Code (RPC).

Naglaan na ng P.5-milyong pabuya ang City Govern­ment ng Koronadal sa makapagtuturo o makapagbigay ng impormasyon sa mga suspek na nanloob sa nasabing jewelry shop.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with