^

Probinsiya

Tirador ng motor, todas sa shootout

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Tirador ng motor, todas sa shootout
Bumulagta sa kalsada ang isa umanong tirador ng mga motorsiklo matapos na makipagbarilan umano sa mga pulis sa Cotabato City nitong Biyernes.
John Unson

COTABATO CITY , Philippines — Agad na nasawi sa mga tama ng bala ang isa umanong notoryus na magnanakaw ng mga motorsiklo sa Kidapawan City nang manlaban sa mga pulis na humabol sa kanya, ilang minuto lang bago nakapagnakaw muli sa isang barangay ng naturang lungsod nitong Biyernes ng gabi.

Tangkang sitahin sana ng mga kasapi ng Kidapawan City Police Office ang suspect na si Winston Alamada, nang masukol sa Brgy. Kalaisan dala ang isang nakaw na motorsiklo ngunit bumunot umano siya ng baril at pinaputukan ang mga pulis na nagbunsod ng shootout sanhi ng kanyang agarang kamatayan. 

Naibalik naman agad ang ninakaw na motorsiklong pag-aari ni Ruel Quiamco, isang kagawad sa Barangay Kalaisan sa Kidapawan City.

Matagal na umanong minamanmanan ng lokal na pulisya si Alamada dahil sa pagkakasangkot nito sa mahigit 20 na nakawan ng mga motorsiklo sa Kidapawan City at ilang bayan sa Cotabato province.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with