^

Probinsiya

3 ‘most wanted’ sa carnapping timbog sa Rizal

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
3 �most wanted� sa carnapping timbog sa Rizal
Kinilala ni Col. Rommel Estolano, HPG-4A police director, ang tatlong akusado na sina Lloyd Dacula, 39, Jean Christian Faustino, 27, at Mark Basigsig, 23, pawang mga empleyado ng iba’t ibang commercial banks bilang collection specialist o repossession representative. 
Philstar.com / Jovannie Lambayan

LAGUNA, Philippines — Tatlong “most wanted person” sa kasong carnapping ang inaresto ng magkasanib na elemento ng Highway Patrol Group-Rizal at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa anti-carnapping operations sa Taytay, Rizal.

Kinilala ni Col. Rommel Estolano, HPG-4A police director, ang tatlong akusado na sina Lloyd Dacula, 39, Jean Christian Faustino, 27, at Mark Basigsig, 23, pawang mga empleyado ng iba’t ibang commercial banks bilang collection specialist o repossession representative. 

Sinabi ni Estolano na armado ang mga operatiba ng tatlong warrant of arrest na inisyu ng mga korte laban sa mga akusado para sa paglabag sa bagong Anti-carnapping Act of 2016. 

Ayon kay Estolano, si Faustino ay naaresto sa kanyang tirahan sa SNMC compound Melendrez sa Brgy. San Isidro, Taytay, Rizal noong Huwebes habang sina Dacula at Basigsig ay nalambat sa Zuri Subdivision sa Cabrera Road sa Brgy. Dolores, ng nasabi ring bayan.

Sinabi naman ni retired Major Gen. Gilbert Cruz, executive director ng PAOCC, na nakita ng korte na may probable cause para sa paglabag sa mga bagong kasong anti-carnapping na isinampa ng mga rehis­tradong may-ari ng mga sasakyan laban sa tatlong naarestong wanted. 

Sapilitan umanong kinuha ng mga suspek ang mga sasakyan mula sa mga rehistradong may-ari nito na nagsampa ng mga reklamong kriminal sa tanggapan ng piskalya.

Sinabi ni Cruz na ang HPG4A at PAOCC ay nagdeklara ng all-out war laban sa mga wanted na indibidwal na sangkot sa iba’t ibang panloloko lalo na sa rent-tangay scam, rent-benta-bawi scam at iba pang anyo ng scam.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with