^

Probinsiya

Dayong ‘tulak’ mula Albay nalambat sa P1.3 milyong shabu

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Dayong �tulak� mula Albay nalambat sa P1.3 milyong shabu
Sinampahan na ng kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002 ang suspek na kinilalang si Joseph Mostera Nabor, 41-anyos, binata, residente ng Purok-2, Brgy. Salugan, Camalig, Albay na itinuturing na high value individual (HVI) dahil sa lawak ng kanyang iligal na operasyon.
STAR/File

NAGA CITY, Camarines Sur, Philippines — Kalaboso ang isang notoryus na tulak ng droga sa Albay na dumayo pa sa Camarines Sur matapos mahuli sa joint buy-bust operation ng mga tauhan ng Naga City Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Naga City Field Office sa kahabaan ng Diversion Road, Brgy. Concepcion Pequeña ng lungsod na ito, kamakalawa.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002 ang suspek na kinilalang si Joseph Mostera Nabor, 41-anyos, binata, residente ng Purok-2, Brgy. Salugan, Camalig, Albay na itinuturing na high value individual (HVI) dahil sa lawak ng kanyang iligal na operasyon.

Sa ulat, dakong alas-7 ng umaga, magkatuwang na inilatag ng mga tauhan ng Naga City Police-Station 2 Drug Enforcement Unit, City Intelligence Unit at mga ahente ng PDEA-Naga City ang buy-bust operation laban kay Nabor.

Hindi na nakapalag si Nabor nang mabilis na ares­tuhin ng mga opera­tiba makaraang iabot nito sa poseur buyer ang bini­ling droga. Nasamsam sa kanya ang isang bungkos ng plastic na may lamang 200-gramong shabu na nagkakahalaga ng P1.36 milyon.

Lumalabas sa imbestigasyon na kumuha pa ng suplay ng droga ang suspek mula sa Pasay City at bumaba sa sinakyang bus sa Naga City para magbagsak ng shabu dahilan para siya mahuli sa buy-bust.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with