^

Probinsiya

Panagbenga 2024 sa Baguio City, dinagsa

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

BAGUIO CITY, Philippines — Lalong naging masigla ang Baguio City matapos na dagsain ng libu-libong katao ang pagdiriwang ng pang-28 na Baguio Flower Festival o Panagbenga” (A Time of Blossoming) kung saan natunghayan ang Street Dancing parade nitong Sabado at Flower Float parade ngayong Linggo, ang pinaka-highllight ng festival.

Ang Panagbenga Festival ngayong taon ay may temang “Celebrating Traditions, Embracing Innovations”.

Kabilang sa mga pumarada at nagpamalas ng kani-kanilang sayaw ang mga mabulaklaking street dancers mula ele­mentary at high school ng iba’t ibang public at private schools sa Baguio City, ang kalapit na Benguet, at mga mananayaw mula Palayan City, Gabaldon sa Nueva Ecija, Bani at San Carlos sa Pangasinan, Narvacan sa Ilocos Sur at Rizal sa Kalinga.

Dala ang kanilang gongs at drums, sinabayan sa parada ng mga dancers ang pagtugtog ng Panagbenga hymn sa Session Road hanggang sa Harrison Road ng Central Business District sa Baguio City.

Nagmartsa rin ang Philippine Military Aca­demy (PMA) brass band habang sumasabay sa tugtog na hinaluan sa pagitan ng casual dance tune performances.

Nagwagi naman sa friendly competition ng street dance group contingents at sa “drum and lyre” ngayong taon ang Manuel Quezon Elementary School, ikatlong puwesto na may P70,000 cash prize; Tuba Central School mula Tuba, Benguet bilang second na may P100,000 premyo, at champion ang Lucban Elementary School na nag-uwi ng P150,000 cash prize.

Ang Festival Dance competition’s third placers ay mula Baguio City National High School-Special Program for the Arts na may P100,000 premyo; 2nd place ang Narvacan Naisangsangayan group ng Narvacan, Ilocos Sur na may P150, 000 prize; at ang champion Tribu Rizal sa Rizal, Kalinga na nakapag-uwi ng P200,000.

Pinalakpakan at nakakuha naman ng matin­ding papuri ang mga ubod ng siglang street dancers ng Bitulok Tribe at Tribu Palayano, pawang sa Nueva Ecija; Bani Pakwan ng Bani, Pangasinan; Tribu San Carlos ng Pangasinan, Narvacan Naisangsangyan Festival Dance ng Narvacan, Ilocos Sur at Tribu Rizal ng Rizal, Kalinga.

Ayon kay dating Congressman at Mayor Mauricio G. Domogan, chairman “for life” ng Baguio Flower Festival Foundation Inc. (BFFFI), ang private organizer ng festival, naging matagumpay ang Panagbenga o Baguio Flower Festival na may 28 taon na ngayon, dahil sa suporta ng mga mamamayan ng Baguio, ang city government at lahat ng stakeholders na kanyang lubos na pinasasalamatan.

Ayon sa isang organi­zer lead staff, inaasahan na matitriple pa ang bilang ng mga “revelers” sa lansangan at matutunghayan ang iba-ibang performan­ces sa Flower Float parade ngayon araw, Linggo sa lungsod.

Aniya, nasa 33 flower-bedecked floats ang matutunghayang gugulong sa Session Road patungong Melvin Jones grandstand sa may Harrison Road ngayong araw.

“It is a record-breaking number and certainly would be a blockbuster event,” pagmamalaki ng staff.

vuukle comment

BAGUIO CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with