^

Probinsiya

4 ‘drug den operators’ huli sa P170K shabu

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P170,000 na halaga ng shabu mula sa apat na hinihinalang drug den operators sa ikinasang buy-bust operation nitong Miyerkules ng gabi sa isang liblib na lugar ng Brgy. Rosary Heights 10, dito sa lungsod.

Sa ulat nitong Biyernes ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, agad na inaresto ng kanilang mga operatiba sina Rabaibani Ali Guiabar, isa umanong drug den ope­rator, at mga kasabwat na sina Warren Datukaka Guiapar, Salma Abdullah Angkal, at Jobaine Guiabar Pantacan nang mabilhan ng P170,000 na halaga ng shabu sa isang entrapment operation sa kanilang hideout mismo.

Naikasa ang natu­rang entrapment ope­ration sa tulong ng mga impormanteng nakatira sa naturang barangay, kabilang sa kanila ang ilang mga kasapi ng Islamic religious community doon.

Kinumpirma ni Castro sa mga reporters, ang apat na mga suspek na nakapiit na sa PDEA-BARMM detention facility dito sa lungsod ay sinampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with