Lalaking pagala-gala sa bangketa, pinabulagta
MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaking huling nakitang palakad-lakad sa bangketa, nang pagbabarilin ng ‘di pa tukoy na salarin sa Taytay, Rizal nitong Biyernes ng gabi.
Kinilala ang biktimang si Rudy Pepito Listojas na bumulagta na lamang sa bangketa matapos paputukan ng ilang ulit ng hindi pa nakikilalang suspek gamit ang hindi pa matukoy na kalibre ng pistola at saka tumakas.
Sa ulat ng Taytay Municipal Police, naganap ang insidente ng pamamaril alas-9:00 ng gabi sa Block 32, Switzerland St., Purok 8, Bagong Pag-asa, Brgy. Sta. Ana, Taytay at naiulat lamang ito sa awtoridad bandang alas-9:35 ng gabi ng Pebrero 23, 2024.
Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang pulisya para matukoy ang responsable sa krimen, sa pamamagitan ng pangangalap ng mga kuha sa CCTV camera sa lugar, at makakuha ng impormasyon sa posibleng nakasaksi sa insidente.
Nakikipag-ugnayan na rin ang pulisya sa mga kaanak ng biktima.
- Latest