^

Probinsiya

P.5 milyong pabuya alok vs 4 holdaper ng Koronadal City pawnshop

John Unson - Pilipino Star Ngayon
P.5 milyong pabuya alok vs 4 holdaper ng Koronadal City pawnshop
Sa inisyal na tantya ng mga lokal na kinauukulan, hindi bababa sa P2.5 mil­yon ang halaga ng mga alahas na natangay ng mga holdaper mula sa Agencia Brillantes sa Osmeña Street, Barangay Zone 4 ng nasabing lungsod.
STAR/ File

COTABATO CITY, Philippines — Nag-alok ng P500,000 reward nitong Biyernes ang local government unit (LGU) ng Koronadal City para sa sino mang makapagtuturo sa kinaroroon ng apat na lala­king nangholdap ng isang pawnshop sa mataong lugar sa naturang lungsod nitong Miyerkules.

Sa inisyal na tantya ng mga lokal na kinauukulan, hindi bababa sa P2.5 mil­yon ang halaga ng mga alahas na natangay ng mga holdaper mula sa Agencia Brillantes sa Osmeña Street, Barangay Zone 4 ng nasabing lungsod.

Mismong si Mayor Eliordo Ogena, chairman ng Koronadal City Peace and Order Council, ang nag-anunsyo sa iba’t ibang mga himpilan ng radyo nitong umaga ng Biyernes na naglaan siya ng P500,000 na reward para sa sinumang makakatulong sa lokal na pulisya na maaresto ang mga holdaper na nakunan ng mga security recordings ang kanilang ginawang krimen at ang pagtakas dala ang mga alahas na kanilang nakulimbat.

Nakasuot ang dalawa sa apat na mga holdaper ng kulay blue na t-shirt na may tatak na “pulis” sa bandang dibdib na siyang nag-disarma sa dalawang guwardya ng naturang pawnshop bago pumasok ang dalawa pa nilang  kasamahan na siyang nambasag ng mga eskaparateng yari sa salamin at nilikom ang mga naka-display na mga alahas sa kanilang mga sling bags.

Mabilis na nakatakas ang mga holdaper na tinangay rin ang mga baril ng mga security guard na kanilang naigupo at nadisarmahan.

vuukle comment

LGU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with