Namatay sa trak na nahulog sa bangin: 15 na
MANILA, Philippines — Umakyat na sa 15 katao ang nasawi sa pagkahulog ng isang trak sa bangin sa bayan ng Mabinay sa Negros Oriental nitong Miyerkules ng hapon.
Ayon kay Lieutenant Stephen Polinar, tagapagsalita ng Negros Oriental Police Provincial Office (NOPPO), dalawa pang biktima, kabilang ang driver ng truck na si Antonio Toreno at Jovanni Flores, ang nananatiling naka-admit sa Mabinay Community Hospital para lapatan ng lunas.
Sa ulat, sinabi ng Mabinay Police Station na nangyari ang aksidente, ala-1:46 ng hapon sa kahabaan ng national highway sa Barangay Bulwang nang mawalan ng control ang driver ng trak dahilan para mahulog sa bangin na kung saan ay nasa 14 na katao ang agad nasawi.
Kinilala ang mga nasawi na sina Ireneo Magos,37; Fe Decipolo; Rolindo Decipolo Sr., 63; Jemboy Egoogan; Rolindo Decipolo Jr., 29; Marlon Solidad, 46; Rex Decipolo, 33; Rene Magos, 46; Allan Flores, 36; Allen Pocong, 44; Remond Llenes, 29; Roy Magos, 29; Leo Soreño, 43; Jacob Labrador, 28; at Almar Egoogan, 26.
- Latest