^

Probinsiya

‘Tanim granada’ ng pulis-Cabiao, Nueva Ecija iimbestigahan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatakdang imbestigahan ng liderato ng Philippine National Police (PNP) tungkol sa diumano’y ginawang “tanim granada” ng mga pulis sa Cabiao, Nueva Ecija sa isang Facebook vlogger na si  Noel Montano o mas kilala bilang El Tarik.

Humihingi ng malalimang imbestigasyon sa Kongreso at sa pamunuan ng PNP ang pamilya ni  Montano bunsod ng umano’y  pangha-harass sa kanya ng ilang Cabiao pulis.

Ayon kay Montano, pinasok ng mga pulis-Cabiao ang kanyang bahay sa Bgry. San Fernando Norte sa bisa ng search warrant dahil sa pagtatago ng 9mm na baril.

Ikinagulat ni Montano ang  deklarasyon ng mga pulis na nakakuha ang mga ito  ng granada sa kanyang bahay.

Nanawagan ang pamilya ni Montano kina PCol. Richard Caballero, at Central Luzon Police Director PBGen. Jose Hidalgo Jr., na hukayin ang katotohanan sa ginawang operation ng mga pulis.

Kasalukuyang nakakulong  si Montano sa kasalanang hindi nito ginawa kung kaya’t pinaplano ng kaniyang pamilya, tagasuporta at mga abogado na manawagan ng mas malalim pang imbestigasyon para panagutin ang mga pulis-Cabiao.

Sa kaniyang huling FB post matapos siya ay iligal na arestuhin, isinaad ni Montano o El Tarik na “naset-up ako, huling post ko muna ito, makipag-ugnayan sa aking mga kapatid. At mga pinsan. Paalam muna. Matagal tagal na laban ito”.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with