^

Probinsiya

Army detachment grinanada: 2 sundalo at CAFGU sugatan

Doris Franche-Borja, John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Dalawang sundalo at isang miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang sugatan nang pasabugan ng granada ng mga miyembro ng Dawlah Islamiyah ang kanilang detachment sa Barangay Timbangan, Shariff Aguak, Maguin­danao del Sur nitong gabi ng Lunes.

Sa magkahiwalay na pahayag nitong Miyerkules, kinumpirma ng Maguindanao Provincial Police Office at ng 601st Infantry Brigade ang insidente na nagsanhi ng pagkasugat nila Staff Sgt. Jester Arsulo at Sgt. Bryan Baylon, parehong mga kasapi ng 33rd Infantry Battalion, at isang mi­yembro ng CAFGU na si Nor Akmad.

Nagtamo ng mga shrapnel wounds sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan ang tatlo na ngayon ay kapwa gina­gamot sa isang ospital.

Ayon sa mga local officials, kagagawan ng Dawlah Islamiyah ang pagpapasabog ng granada sa Army detachment sa gilid ng highway sa Brgy. Timbangan upang kunwari ay ipakita sa publiko na malakas pa rin ang naturang grupo sa kabila ng pagsuko ng 287 nilang miyembro mula sa iba’t ibang bayan sa Maguindanao del Sur sa 6th Infantry Division ng nakalipas na taon.

vuukle comment

MAGUIN­DANAO DEL SUR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with