^

Probinsiya

Coast guard, arestado sa indiscriminate firing

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) ang inaresto ng mga pulis dahil sa walang habas na pagpapaputok ng baril na ikinatakot ng mga residente ng Naic, Cavite nitong Linggo.

Kinilala lang ng Naic Police ang dinakip na alias “Salgado”, Seaman Second Class (SN2) ng Philippine Coast Guard.

Si Salgado ay kinasuhan na ng paglabag sa RA 11926 sa Naic Municipal Prosecutor’s Office, nitong Lunes.

Nabatid na inireport ng isang concerned citizen mula sa Barangay Latoria, Naic, Cavite ang nagaganap na indiscriminate firing sa kanilang lugar.

Ayon sa imbestigador, si Salgado ay nakasuot ng “battle” uniform at armado ng kanyang service firearm at kasama ang kanyang buddy na si SN1 Dela Cruz, na nagsisilbing driver ng isang motorsiklo, nang kapwa dumating sa Barangay Latoria, Naic nitong Linggo bandang alas-2:40 ng madaling–araw.

Ilang saglit pa ay nagsimula na si Salgado na pagsisigawan ang kanyang live-in partner na nagbunsod ng kanilang mainitang pagtatalo.

Kasunod nito, bumunot na ng baril ang suspek at itinutok niya sa lupa saka makailang beses na ipinutok bago siya galit na umalis sa lugar.

Nang maireport ang insidente sa pulisya, agad na nagkaroon ng hot pursuit operation hanggang sa maabutan ang suspek sa kanyang hideout sa nasabi ring barangay at agad inaresto.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with