Benguet, ligtas na sa Avian flu - Department of Agriculture
MANILA, Philippines — Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) na libre na sa Avian flu ang poultry farms sa lalawigan ng Benguet.
Ito ay nakasaad sa naipalabas na memorandum circular na nagsasabing ligtas na sa naturang virus ang poultry farms sa Benguet makaraang mag-zero o wala nang naitatalang kaso ng highly pathogenic avian influenza ang lalawigan matapos ang 90-araw na disinfection at surveillance activities sa mga apektadong poultry farms doon.
Kabilang ang Benguet sa 15 na probinsya na idineklarang avian flu free na halos dalawang taon din ang nagdaan nang unang na-monitor ang 11 na kaso ng H5N1 sa mga alagang pato, native chicken, chicken layer, mga ibon, culled broiler breeder, pabo at gansa sa Baguio City at sa mga bayan ng Atok, Buguias, Itogon, La Trinidad, Sablan at Tublay sa pagitan ng February at September noong 2022.
Dulot nito, nagsagawa agad noon ang DA at ang provincial government ng Benguet ng depopulation at disinfection operations gayundin ang pagpapatupad ng disease monitoring at surveillance sa one-kilometer at seven-kilometer surveillance zones sa paligid ng mga apektadong farms.
- Latest