P8.1 milyong fossilized giant clam shells, narekober sa Palawan
MANILA, Philippines — Sa tulong ng Philippine Coast Guard (PCG), narekober ng mga lokal na otoridad ang may P8.1 milyong halaga ng mga fossilized giant clam shells, o mas kilala sa lokal na tawag na Taklobo o Manlet, sa Palawan.
Nabatid na nasa 336 piraso ng Taklobo ang narekober nila habang nakaimbak at nakatago sa baybayin ng Barangay Sebaring, Balabac, Palawan, noong Pebrero 14, 2024.
Ayon sa Coast Guard District Palawan (CGDPAL), ang mga narekober na shells ay kaagad na itinurn-over sa local government unit (LGU) para sa temporary custody at pagsasagawa ng mga kaukulang hakbang.
Hindi pa naman binanggit ng PCG kung sino ang mga taong nasa likod nang pagtatago ng mga Taklobo at kung saan gagamitin at dadalhin ang mga ito.
- Latest