Tolentino umayuda sa mga binaha sa Davao
MANILA, Philippines — Sa pamamagitan ng kanyang “Tol in Action” program, namahagi ng ayuda si Senator Francis “Tol” Tolentino sa mahigit 20,000 residente ng Davao De Oro at Davao Del Norte na nasalanta ng pagguho ng lupa at pagbaha mula sa patuloy na pag-ulan noong nakaraang linggo.
Ang mga benepisyaryo ay nagmula sa anim na barangay sa Carmen, Davao del Norte at Barangay Pasian at Rizal sa Monkayo, Davao de Oro.
Namahagi ang “Tol in Action” ng food packs at cash assistance sa mga lumikas na pamilya na hindi pa nakababangon hindi lamang mula sa kamakailang pagbaha, kundi mula sa nakaraan pang baha noong Enero. Ang “Tol in Action” ay ang relief program ni Senator Tolentino para sa mga hindi inaasahang krisis tulad ng mga natural na kalamidad.
Aktibong naghahatid ang nasabing programa ng mabilis na iba’t ibang klaseng tulong sa buong bansa sa tuwing may kalamidad na tumatama sa ilang lugar.
- Latest