^

Probinsiya

Parak, ibinalik ang pera na pumasok sa kanyang GCash

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BASCO, Batanes, Philippines — Umaani ng papuri at pag­hanga ang isang miyembro ng pulisya matapos ibalik ang pera na pumasok sa kanyang GCash account sa lalawigang ito.

Kinilala ang pulis na si PSSgt. Anselmo Gari Jr., nakatalaga sa Sabtang Police Station ng Batanes Police Provincial Office.

Ayon kay Gari,nagtaka umano siya nang may matanggap na P15,000 na halaga sa kanyang GCash account.

Pagkatapos nito ay isang text naman ang kanyang natanggap na nagsasabing nagkamali sila ng numero na pinasahan ng pera.

Dahil dito ay agad naman na tumugon ang pulis at ibinalik ang salapi na kanyang natanggap matapos kumpirmahin ang katauhan ng may-ari ng pera.

Napag-alaman na isang ginang mula umano sa Quezon City ang aksidenteng nagkamali sa pagpapadala ng cash.

Pinuri naman ang pulis dahil sa ipinakitang katapatan at kabutihang loob.

vuukle comment

GCASH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with