^

Probinsiya

Cops bike patrol ng MPD, inilunsad sa Kabikulan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Cops bike patrol ng MPD, inilunsad sa Kabikulan
Handang-handa na ang mga pulis na magbantay sa mga lansangan upang matiyak ang seguridad ng mamamayan sa Kabikulan gamit ang kanilang bisik-leta kasunod ng paglulunsad ng “Kasurog (Kakampi) Cops Bike Patrol” sa Camp Simeon Ola sa Albay.
Courtesy: PRO-5

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Pormal na inilunsad kahapon ng Police Regional Office (PRO)-5 regional director Brig. Gen. Andre Perez Dizon sa loob ng Camp Gen. Simeon Ola ang “Kasurog (Kakampi) Cops Bike Patrol” sa Kabikulan.

Pinangunahan ni PRO-5 regional director Brig. Gen. Andre Perez Dizon ang paglulunsad ng Kasurog Cops Bike Patrol kahapon sa kanilang headquarters.

Ayon kay Brig. Gen. Dizon, inisyal munang 20 police bike patrollers ang kanyang inorganisa at sa susunod na mga araw ay nakatakda rin itong ipatupad sa iba’t ibang lalawigan at mga police stations sa buong rehiyon. Magru-ruta umano ang naturang mga police bike patro­llers sa mga pangunahing kalye sa bayan ng Daraga at lungsod ng Legazpi.

Binigyang diin nito ang kahalagahan ng police visibility gamit ang bisikleta bilang panlaban sa masasamang loob at mga kriminal sa mga kalye at iba’t ibang lugar.

Naging epektibo umano sa anti-crimina­lity program ng naturang programa noong siya ang naging director ng Manila Police District (MPD) kung kaya’t naisipan niyang dalhin ito sa Bicol.

Maliban sa hindi na gagamit ng gasolina ay magandang ehersisyo pa aniya ito sa mga tauhan.

Malaki ang tiwala ng regional director na magiging matagumpay ang inilunsad nilang Kasurog Cops Bike Patrol sa Albay at umaasang maipapatupad din ito ng kanyang mga provincial directors at city director ng Naga City Police Office.

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with