3,000 residente ng Quezon province nakinabang sa ‘Lab for All’
LUCENA CITY, Philippines — Umaabot sa mahigit 3,000 residente ng lalawigan ng Quezon ang nakinabang sa inilunsad na “Lab for All” kahapon sa lungsod na ito.
Ang programang ito ni First Lady Liza Araneta Marcos ay bilang pagkilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kahalagahan ng kalagayang pangkalusugan ng bawat mamamayang Pilipino.
Nakapaloob sa community based health care project na ito ang Laboratoryo, Konsulta at Gamot para sa lahat (Lab for All).
Inilunsad ang proyekto ng Unang Ginang noong May 2023 sa pamamagitan ng pagkakaloob sa publiko ng libreng serbisyong medikal, libreng gamot at konsultasyon at mga pangunahing pagsusuri sa laboratoryo tulad ng blood chemistry, hematology, ECG at digital x-ray.
Lubos naman ang pasasalamat ni Quezon Governor Dra. Helen Tan at sinabing malaki ang “impact” nito sa Universal Health Care law na isa sa pinagtutuunan ng pansin ng kanyang administrasyon.
Naging katuwang sa paglulunsad ng programa ang mga opisyales ng iba’t ibang ahensya tulad ng PhilHealth, DOH, DSWD, DILG, TESDA, FDA, PAO at ang lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Quezon.
Bukod sa lalawigan ng Quezon, ang Lab for All project ay nagkaloob na rin ng serbisyong medikal sa ilang lugar sa bansa noong nakaraang taon at inaasahang magpapatuloy sa iba pang mga lugar.
- Latest