Dalawang sundalo todas sa ambush

Ang insidente ay hiwalay na kinumpirma kahapon ng Lanao del Norte Provincial Police Office, ng Munai Municipal Police Station at ng mga opisyal ng 51st Infantry Battalion, na sakop ang dalawang napaslang na mga ope­ratiba.
STAR / File

COTABATO CITY, Philippines — Namatay noon din ang dalawang hindi unipormadong mga Army intelligence agents nang pagbabarilin sa isang liblib na lugar sa Barangay Lininding, Munai, Lanao del Norte nitong hapon ng Miyerkules.

Ang insidente ay hiwalay na kinumpirma kahapon ng Lanao del Norte Provincial Police Office, ng Munai Municipal Police Station at ng mga opisyal ng 51st Infantry Battalion, na sakop ang dalawang napaslang na mga ope­ratiba.

Pansamantalang hindi muna kinilala ang dalawang sundalong napatay habang hindi pa naipapaa­lam sa kanilang mga pamilya ang kanilang sinapit sanhi ng pananambang ng mga hindi nakikilalang mga armadong kalalakihan.

Sa ulat, sakay ng motorsiklo ang dalawang intelligence agents ng 51st IB, patungo sa isang lugar nang pagbabarilin ng mga lalaking nakapuwesto sa gilid ng daan, armado ng assault rifle na nagsanhi ng kanilang agarang kamatayan.

Show comments