^

Probinsiya

Motor salpok sa kotse: Rider dedo, 12-anyos sugatan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Motor salpok sa kotse: Rider dedo, 12-anyos sugatan
Matinding sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang agarang ikinasawi ng biktimang si Mark John Santos Estrada, residente ng Zone-2, Brgy. Palestina, Pili.
Philstar.com/Irish Lising, file

NAGA CITY, Camarines Sur, Philippines — Dead-on-arrival sa pagamutan ang isang 19-anyos na rider habang malubhang nasugatan ang kanyang 12-anyos na kapatid na angkas matapos malakas silang bumangga sa kotse sa kahabaan ng Maharlika National Highway ng Brgy.  Del Rosario, Naga City, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.

Matinding sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang agarang ikinasawi ng biktimang si Mark John Santos Estrada, residente ng Zone-2, Brgy. Palestina, Pili.

Sugatan at patuloy na nagpapagaling ang minor na kapatid na kinilala lamang sa pangalang Erika.

Sa ulat, dakong alas-3:37 ng hapon, binabagtas ng Mitsukoshi Euro motorcycle (372-QMR) na minamaneho ni Estrada ang kahabaan ng highway at angkas ang kanyang nakababatang kapatid nang mawalan ng control sa manibela at bumangga sa kasalubong na Hyundai Accent na kotse na minamaneho ni Jaime Nava­rro Patani, 67-anyos, residente ng Poblacion l, Del Gallego.

Sa lakas ng pagkakabangga, parehong nawasak ang motorsiklo at ang kaliwang bahagi ng kotse habang kapwa tumilapon at bumagsak sa sementadong kalsada ang mga biktima.

Mabilis silang nires­pondehan ng mga pulis at Naga City Rescue Ambulance at isinugod sa Bicol Medical Center ang rider pero hindi na umabot nang buhay.

vuukle comment

ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with