^

Probinsiya

‘Utak’ sa pagpatay sa chairwoman, timbog!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
�Utak� sa pagpatay sa chairwoman, timbog!
Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Naaresto na ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang umano’y “utak” sa pagpatay noong Nobyembre 30 sa chairwoman ng Brgy. Plastado, Gerona, Tarlac na si Editha Zarzuela at kanyang asawang si Edgar.

Kinilala ni CIDG Director Police MGen. Romeo Caramat Jr., ang suspek na isang Jessie Mendoza.

Nadakip si Mendoza dahil sa paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Law) at RA 9516 (Illegal Possession of Explosives) sa pagpapatupad ng search warrant sa Gerona, Tarlac kahapon ng umaga.

Nakuha sa pag-iingat nito ang calibre .45 pistol, mga live ammunition, granada at iba pa.

Ayon kay Caramat, ang pagkakaaresto ni Mendoza ay bunsod ng testimonya ng suspek at mismong gunman. Lumilitaw na kay Mendoza umano ibinigay ni Cunanan ang ginamit nitong motorsiklo at baril.Sinasabing kakompitensiya umano ng biktima si Mendoza sa  pagbebenta ng lupa sa kanialang lugar.

Sinampahan na ng kaso sa Provincial Prosecutor, Hall of Justice, Tarlac City si Mendoza.

vuukle comment

CIDG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with