Drug dealer tiklo sa P1.1 milyong shabu

MANILA, Philippines — Naaresto ng pulisya ang isang high value target at dealer ng shabu sa inilatag na drug ope­rations kamakalawa ng gabi sa Brgy. Dela Paz Proper, Batangas City.

Sa nakalap na ulat mula sa Batangas CPS, alas-10:00 ng gabi nang magkasa ng buy-bust laban sa suspek na kinilala sa alias na Jay, nasa hustong gulang at kilalang tulak ng droga ng lalawigan at kasama rin ito sa  HVT ng pulisya .

Narekober sa suspek ang may 11 plastic sachet na naglalaman ng mga shabu na aabot sa timbang na 170 gramo at may halagang gramo P1,173,000.00 milyong piso.

Nakuhanan din ito ng baril na Cal .45 Pistol na may serial number 182575, 1 Cal .45 magazine at mga bala.Nakumpiska rin ang buy-bust money na ginamit sa operasyon, 1 sling bag kung saan nakalagay ang droga at coin purse.

Show comments