^

Probinsiya

Paslit nakalunok ng candy, tepok!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Paslit nakalunok ng candy, tepok!
Ayon sa tiyahin ng biktima na itinago sa pangalang Tristan, nagpabili ito ng gummy ball candy sa kanyang ­inang si Ara sa tindahan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang  isang 7-anyos na batang lalaki nang mabulunan sa nalunok na gummy ball na candy sa Barangay Poblacion, San Remigio sa Antique, ayon sa ulat kahapon.

Ayon sa tiyahin ng biktima na itinago sa pangalang Tristan, nagpabili ito ng gummy ball candy sa kanyang ­inang si Ara sa tindahan.

Agad na kinain ng bata ang candy subalit nagulat  na lamang sila nang makitang nahihirapan na siyang huminga.

Hindi sinasadya umanong nalulon ng biktima nang buo ang bilog na candy sanhi upang bumara ito sa kanyang lalamunan.

Isinugod sa ospital ang biktima at tinanggal ang nakabarang candy subalit binawian din siya ng buhay.

vuukle comment

SAN REMIGIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with