Mag-ama todas sa ambush sa GenSan
COTABATO CITY, Philippines — Patay agad sa mga tama ng bala ang isang mag-ama makaraan silang tambangan at pagbabarilin habang sakay ng motorsiklo at bumabagtas sa isang liblib na pook sa Barangay Mabuhay sa General Santos City nitong Biyernes.
Sa ulat nitong Sabado ng General Santos City Police Office, magkaangkas sa motorsiklo ang mga biktimang sina Rafael Dela Merced, 52-anyos, at 28-anyos na anak na si Jhonnel nang sila ay pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa Purok 9, Paradise area sa Barangay Mabuhay ng nasabing lungsod. Mabilis na nakatakas ang mga salarin sakay ng mga motorsiklo na walang mga plaka.
Wala pang linaw sa mga imbestigador ng General Santos CPO kung sino ang pumatay sa mag-amang Dela Merced.
Ayon sa mga kamag-anak, posibleng may kinalaman sa pag-ambush sa mag-ama ang away sa lupa na kanilang sinasaka.
- Latest