Dorm pinasok ng ‘akyat bahay’, higit P.3 milyon kagamitan tangay
CAVITE, Philippines — Nasa P.3 milyong halaga ng mga alahas at kagamitan ang nakulimbat sa isang dormitory matapos pasukin ng hinihinalang miyembro ng “akyat-bahay gang” kahapon ng madaling araw sa Villa Isabel, Brgy. Burol Main, Dasmariñas City.
Dakong alas-11:20 ng umaga kahapon nang personal na nagtungo sa tanggapan ng pulisya si Glenn Caguia, negosyante, at may-ari ng nasabing dormitory upang i-report ang insidente.
Sa nakalap na CCTV footage sa nasabing lugar, dakong ala-1:30 ng madaling araw nang akyatin ng ‘di kilalang suspek ang dormitory. Gamit ang isang tinidor, sinira nito ang door lock ng kuwarto ng biktima at isa-isang tinangay ang mga gamit sa loob nito.
Nakuha ng suspek ang Samsung camera na may halagang P40,000, Canon 650 D camera na may halagang P120,000, Camera Flash na nasa P60,000, gold ring na P50,000 ang halaga, dalawang pares ng air pods na may halagang P18,000, 1-set ng gold earrings at P3,00 cash.
Nakita rin sa CCTV ang pagtakas ng suspek na sakay ng isang motorsiklo at lumabas ng nasabing subdivision.
- Latest