^

Probinsiya

17-anyos utas sa rambol, 7 kabataan arestado

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

POLILLO, ­Quezon, Philippines — Patay ang isang 17-anyos na lalaki makaraang magrambulan ang grupo ng mga kabataan sa Port of Polillo sa Brgy. Poblacion ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Namatay dahil sa pagkaubos ng dugo sanhi ng tinamong saksak sa katawan ang biktimang itinago sa pangalang Allan samantalang nasa kustodya ngayon ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang pitong iba pang kabataang lalaki na sangkot sa rambol na sumasailalim sa imbestigasyon.

Ayon sa pulisya, pasado alas-11:00 ng gabi nang magpang-abot ang dalawang magkalabang grupo ng mga kabataan sa nasabing lugar na halos 300 metro lamang ang layo sa police station.

Sa gitna ng rambulan, isa sa mga suspek ang sumaksak kay Allan na sanhi ng kanyang pagkamatay.

Mabilis na rumes­ponde ang awtoridad at naaresto ang pito sa mga kabataan na sangkot sa away.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with