Senior naglakad sa riles, pisak sa tren
GUMACA, Quezon, Philippines — Patay ang isang senior citizen nang masagasaan ng tren ng Philippine National Railways (PNR) sa riles na sakop ng Barangay Inaclagan sa bayang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Danilo Caperiña, 65-anyos, binata, na napisak makaraang makaladkad ng tren ng humigit-kumulang sa 30 metro.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, naglalakad ang biktima sa mismong riles at binusinahan na ng malakas ng Bicol bound na tren subalit mistulang ipinagkibit balikat lamang nito ang paparating na sasakyan kung kaya’t natumbok ito hanggang sa makaladkad.
Ayon sa mga kaanak ng biktima, mayroong diperensiya sa pandinig ang biktima kaya hindi nito narinig ang malakas na busina ng paparating na tren.
- Latest