Beybi, tinangay ng babaeng nakitulog

Ayon sa ama ng sanggol na si Archibal Laguardia, pinatuloy nila sa kanilang bahay ang suspek na si Aida Modal Gonzales dahil wala na umanong masakyan pauwi sa kanilang bahay.
Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte.

OLONGAPO CITY, Philippines — Patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang babae na tumangay sa 3-buwang sanggol na nakitulog lamang umano sa bahay ng isang mag-asawa kamakalawa ng mada­ling araw sa barangay Gordon Heights, sa ba­yang ito.

Ayon sa ama ng sanggol na si Archibal Laguardia, pinatuloy nila sa kanilang bahay ang suspek na si Aida Modal Gonzales dahil wala na umanong masakyan pauwi sa kanilang bahay.

Panatag naman umano ang kanilang loob sa ginawang pagpapatulog sa suspek dahil katrabaho ito ng kanyang misis.

Gayunman, pagsapit ng madaling araw nang magising ang mag-asawa ay laking gulat nila nang wala na ang kanilang 3 buwang sanggol at maging ang babaeng na­kitulog.

Kaagad namang ipinagbigay-alam ng mag-asawa sa pulisya ang insidente na nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon at manhunt operation upang matunton ang suspek at ang sanggol na tinangay nito.

Humihingi naman ng tulong ang mag-asawa sa publiko sa makakapagbigay ng impormasyon sa suspek na tumawag o mag-text sa 09603993900 o 09485328369.

Show comments