^

Probinsiya

3 suspek sa pagkatay sa titser, arestado!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
3 suspek sa pagkatay sa titser, arestado!
Sinampahan na ng kasong Robbery with Homicide sa Office of the Prosecutor sa Tacloban ang mga suspek na kinilalang sina Mark Justine Conde, 23; Yasse Ivan Yu, 18, at Darwin Versoza, 18, pawang mga residente ng Barangay 68, Anibong, Tacloban.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

MANILA, Philippines — Nasa kamay na ng Tacloban Police Station ang tatlong suspek sa brutal na pagpatay sa high school teacher na natagpuang tadtad ng saksak at ginilitan pa ang leeg, sa isang bahay sa Tacloban City, Leyte nitong Sabado.

Sinampahan na ng kasong Robbery with Homicide sa Office of the Prosecutor sa Tacloban ang mga suspek na kinilalang sina Mark Justine Conde, 23; Yasse Ivan Yu, 18, at Darwin Versoza, 18, pawang mga residente ng Barangay 68, Anibong, Tacloban.

Nabatid na naaresto ang mga suspek sa isinagawang follow-up operation ng mga pulis matapos silang ituro ng isang testigo na may kagagawan sa pagkatay sa gurong si Bernabe Basiano, 39-anyos ng Antonio Balmes National High School.

Base sa ulat ng Tacloban City Police Station, natagpuan ang bangkay ni Basiano na naliligo sa sariling dugo habang may laslas ang leeg at tadtad ng saksak sa katawan bandang alas-3:25 ng hapon sa isang bahay sa  Knightsbridge Village, Brgy. 98-Camansihay.

Lumalabas sa imbestigasyon na sa isang madamong lugar isinagawa ng mga suspek ang krimen.

Balak lang ng mga suspek na holdapin ang biktima sa isang lugar subalit pumalag ito kaya nasaksak at nang mapatay ay dinala ang bangkay sa bahay na kinatagpuan dito upang maitago ang krimen.

vuukle comment

ARRESTED

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with