^

Probinsiya

Mag-utol na senior kritikal sa ‘hit and run’

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Mag-utol na senior kritikal sa ‘hit and run’
Kinilala ng pulisya ang magkapatid na biktima na sina Pedro Villaluna Angue, 64 anyos, residente ng B10 L1 Jewel Homes, Brgy Buenavista 3, Gen. Trias City at kuya nitong si  Ernesto Angue Sr.,, 69-anyos ng #457 Ilang-ilang, Brgy. Buenavista 2, Gen. Trias City, pawang sa Cavite.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Kapwa nasa kritikal na kondisyon sa pagamutan ang magkapatid na senior citizen makaraang suwagin ng isang van truck ang kanilang sinasakyang tricycle sa kahabaan ng Gov. Ferrer Drive, Brgy. Buenavista 2, General Trias City.

Kinilala ng pulisya ang magkapatid na biktima na sina Pedro Villaluna Angue, 64 anyos, residente ng B10 L1 Jewel Homes, Brgy Buenavista 3, Gen. Trias City at kuya nitong si  Ernesto Angue Sr.,, 69-anyos ng #457 Ilang-ilang, Brgy. Buenavista 2, Gen. Trias City, pawang sa Cavite.

Tumakas naman ang driver ng truck matapos ang insidente na si alias “Charlie”, 35-anyos at residente ng #189 Brgy Corregidor, Gen. Trias City, subalit naaresto rin sa follow-up operation ng pulisya.

Sa imbestigasyon ng Gen. Trias City Police, alas-7:30 ng gabi habang sakay ang magkapatid na Angue sa Rusi 175 tricycle na minamaneho ng nakababatang biktima at bumabagtas sa nasabing lugar ay kasunod naman nila ang Fuso wing van truck (NGR 2029) na minamaneho ng isang alias “Charlie”.

Tinangka umanong mag-overtake ng truck sa tricycle ng mga biktima subalit ng may makitang kasalubong ay bigla nitong kinabig pabalik kung kaya dito na nito nahagip ang tricycle ng mga biktima.

Tumaob ang ­tricycle at ilang beses na nagpagulung-gulong habang tuluy-tuloy na tumakas ang trak.

Agad na naitakbo sa pagamutan ang magkapatid habang sa follow-up operation ng pulisya ay naaresto rin ang tumakas na driver ng truck.

Kasong serious physical Injury and damage to property at Article 275 ng RPC (Abandonment of Persons in Danger and Abandonment of Ones Own Victim) ang isinampa laban sa driver ng trak.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with