^

Probinsiya

Putol na paa ng babae, inanod sa beach

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang putol na paa ng tao ang natagpuan nang inanod sa beach sa Calatagan, Batangas nitong Sabado ng umaga.

Ayon kay PMaj. Emil Mendoza, hepe ng Calatagan Police Station, dakong alas-9 ng umaga nang mapansin ng nag-iikot na lifeguard ang putol na paa sa baybayin ng isang beach resort sa Barangay Bagong Silang, Calatagan.

Pinaniniwalaang sa babae ang putol na paa na maputi, makinis at nasa tamang edad na.

Dinala ang putol na paa sa isang funeral parlor sa Calatagan kung saan kumuha naman ng DNA sample ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) para sumailalim sa pagsusuring forensic unit ng Camp Crame.

Nakikipag­ugnayan­na rin ang pulisya sa mga barangay­officials na malapit sa lugar na posibleng makatulong upang makilala ang biktima.

vuukle comment

DNA

SOCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with