^

Probinsiya

Tribung Ibaloi, wagi sa ‘Search for Model IP’

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

DUPAX DEL NORTE, Nueva Vizcaya, Philippines — Itinanghal ang tribung Ibaloi ng Barangay Bulala, Dupax del Norte sa lalawigang ito, bilang regional champion para Search for IP Ang Yaman ng NAsyon (IPAMANA) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito ay matapos na makakuha ang tribung Ibaloi ng rating na 93.32 percent kumpara sa pumangalawa na tribung Agta mula naman sa Santa Ana, Cagayan na nakakuha ng  83.12 porsyento bilang model IP community sa buong Region 2.

Ayon kay Mayor Timothy Joseph Caytoy, maliban sa plake na natanggap ng tribu ay nakapag-uwi rin sila ng P100,000 cash bilang gantimpala sa nasabing kompetisyon.

Sinabi ni Cayton na ang tribung Ibaloi na naninirahan sa Barangay Bulala sa kanilang ­bayan ay mayroon lamang maliit na bilang subalit mayaman ang mga ito ng kultura at mga tradisyon. 

“Mula sa pananamit, mga katutubong kaga­mitan, sayaw, awitin at pag-uugali ay karaniwan na nakikita pa rin sa kanilang lugar, kung kaya’t tahimik at mapayapa ang kanilang komunidad,” pahayag ni Cayton.

Ang pagkapreserba ng kultura, ugali at mapayapang pamumuhay ng mga tribu ang isang nakita ng mga hurado kabilang na ang pagbibigay ng mataas na pagggalang sa mga mas nakakatanda sa tribu. 

Ang nasabing parangal na nasungkit ng tribung Ibaloi ang ika-4 na pagkapanalo ng Nueva Vizcaya sa magkakasunod na taon ng naturang patimpalak.

Ang lalawigan ng Nueva Vizcaya ang isa sa itinuturing na may pinakamaraming populasyon ng tribu matapos umabot sa 18 iba’t ibang tribu ang naninirahan dito, maliban pa sa mga Ilocanos, Tagalog, Kapampangan,­Pangasinense, Muslim at iba pang lahi na hindi kabilang sa mga tribu.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with