^

Probinsiya

2 pekeng dentista tiklo sa CIDG

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kalaboso ang dalawang babae na nagpanggap na mga dentista sa isinagawang entrapment operation ng pulisya sa Butuan City, Linggo ng hapon.

Kinilala ni Caraga ­Police regional director P/Brig. General Kirby John Kraft ang mga nadakip na suspek sa mga alyas na “Zel”, 22 at “Ana”, 29 na nasa kustodiya na ng Butuan  City Police  Station.

Ang dalawa ay dinakip ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Regional Anti-Cybercrime Unit-13 pasado alas-2:00 ng hapon nitong Linggo sa Brgy. Villa Kananga ng nabanggit na lungsod.

Nag-ugat ang operasyon matapos ang reklamo sa pulisya ng ilang nabiktima ng mga suspek.

Ayon kay Kraft, nagpanggap na kliyente ang isang pulis at kinontak ang mga suspek sa kanilang ­Facebook page upang magpagawa ng braces sa ngipin at pinapunta ang poseur client sa kanilang klinika sa nabanggit na lugar.

Matapos magtungo ang poseur client sa clinic ng mga suspek ay agad na sumunod ang pulisya at nang walang maipakitang lisensya sa kanilang propesyon ang mga suspek ay agad silang pinosasan.

Nakuhanan ang mga suspek ng aabot sa P100,000 halaga ng mga dental equipments na kinumpiska ng pulisya.

vuukle comment

CIDG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with