Titser kinatay, ginilitan ng mga kawatan
MANILA, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit ng isang high school teacher matapos siyang pagsasaksakin at gilitan sa leeg ng hindi pa kilalang salarin na hinihinalang mga kawatan nitong Sabado sa Tacloban City.
Nakilala ang biktima na si Bernabe Basiano, 39, faculty member ng Antonio Balmes National High School sa Barangay 103-A Paglaum, Tacloban City.
Ayon sa Police Regional Office (PRO)-Eastern Visayas, natagpuan ang biktima sa loob ng isang bahay sa Knightsbridge Village, Barangay 98-Camansihay, Tacloban dakong alas-3:25 ng hapon.
Pinuntahan umano ng may-ari ng bahay ang lugar subalit laking gulat niya nang makita ang nagkalat na dugo at bangkay ng biktima. Dito niya natagpuang naliligo sa sariling dugo ang guro na may laslas sa leeg at saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Posibleng pagnanakaw ang motibo sa pamamaslang dahil nawawala umano ang singsing, kuwintas at nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang mga salarin.
- Latest