^

Probinsiya

5 mangingisda na pumalaot, nawawala – PCG

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
5 mangingisda na pumalaot, nawawala � PCG
Nagsagawa ng search and rescue (SAR) ­operation ang PCG-District Southern Tagalog (PCG-DST) para mahanap ang mga nawawalang Reneboy Alva at Jovinal Gamitin, kapwa ng Barangay Caridad Ilaya, Atimonan, Quezon.
Photo courtesy of CGSS Calapan and CGS Southern Quezon

MANILA, Philippines — Limang­mangigisda mula sa lalawigan ng ­Quezon at Oriental Mindoro ang iniulat na nawawala sa karagatan bunsod ng masamang panahon, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Nagsagawa ng search and rescue (SAR) ­operation ang PCG-District Southern Tagalog (PCG-DST) para mahanap ang mga nawawalang Reneboy Alva at Jovinal Gamitin, kapwa ng Barangay Caridad Ilaya, Atimonan, Quezon.
Sakay umano ang ­dalawa ng bangka na pumalaot para mangisda sa kabila ng sama ng panahon at nawawala simula pa noong Biyernes ng gabi sa bisinidad ng Isla ng Jomalig sakop ng Pacific Ocean.
Iniulat din ng PCG-DST ang pagkawala ng ­mangingisdang si Sanny Frias noong Sabado sa baybayin ng Pinamalayan sa Oriental ­Mindoro.

Nadiskubre ng ibang mangingisda ang bangka ni Frias na abandonado na dakong alas-8 ng gabi, may anim hanggang pitong milya mula sa baybayin ng Barangay Lumambayan.
Sa bayan ng Gloria sa Oriental Mindoro, ­pinaghahanap din si Joseph Halos makaraang hindi na makauwi ng kanilang bahay noong Biyernes nang maglayag upang mangisda sa baybayin ng Barangay Tambong.
Nitong Nob. 18 naman nang hindi na nakauwi pa si Ritzie Yap makaraang pumalaot para mangisda sa baybaying sakop ng bayan ng Roxas.

vuukle comment

MISSING

PCG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with