^

Probinsiya

4 pulis arestado sa P1.8 milyong ‘hulidap’!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
4 pulis arestado sa P1.8 milyong �hulidap�!
Narekober sa matagumpay na operasyon ng PRO-9 at CIDG-9 nitong Sabado ang dalawang kaha-de-yero na tinangay at sinira ng apat na pulis mula sa isang negosyante sa pekeng warrant operation sa Zamboanga City.
John Unson

2 Kaha-de-yero ng negosyante tinangay  

COTABATO CITY, Philippines — Naaresto sa magkakahiwalay na operasyon nitong Sabado ang apat na pulis kabilang ang isang tinyente matapos ireklamo ng “hulidap” ng isang negosyante makaraan ang isinagawang raid sa bahay nito at tinangay ang dalawang kaha-de-yero na naglalaman ng P1.8 milyong cash sa Zamboanga City.

Sa ulat, nagpanggap nitong nakalipas na Nobyembre 14 ang apat na pulis kinilalang sina Lt. Ariel F. Jolatoria, Pat. Rayan R. Apostol, Senior Master Sgt. Alnajer A. Ynawat at Staff Sgt. Edcel S. Nicolas na hahainan ng warrant of arrest na peke ang negosyanteng si Al-Ghabid Umabong Abdul kaya nila pinasok ang kanyang tahanan sa Basilio Drive, Natividad Street sa Barangay Te­tuan, Zamboanga City at agad na kinumpiska ang mga alahas, mga cellphone at maging ang kaha-de-yero nito saka dinala sa kanilang pagtakas.

Nabatid na si Jalatoria ay kasapi ng Regional Support Unit-Police Regional Office-9, habang si Apostol ay nakadestino sa Zamboanga City Police Office 2nd Mobile Force Company, at nasa ilalim naman ng Zamboanga City Police Office Mobile Patrol Unit si Ynawat habang si Nicolas ay nakatalaga sa Zamboanga City Police Station 7.

Isa-isang naaresto ang apat na pulis nitong Sabado sa ikinasang mga operasyon sa iba’t ibang lugar sa Zamboanga City ng mga unit ng PRO-9 at ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-9 sa tulong ng mga impormanteng alam ang tunay na pagkatao ng apat na pulis.

Si Ynawat ay matagal na ring pinagdududahang sangkot sa mga illegal na gawain dahil diumano  sa marangyang pamumuhay nito at pagkakaroon ng rent-a-car business na hindi kakayaning i-pundar kung suweldo lang niya sa pagka-police senior master sergeant ang pagbabasehan.

vuukle comment

ZAMBOANGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with