P100K pabuya vs suspek sa Cavite chairman ambush

CAVITE, Philippines — Naglabas kahapon ng P100,000 reward sina Cavite Rep. Pidi Barzaga at misis na si Mayor Jenny Barzaga para sa sinumang makapagtuturo o makapagbibigay ng impormasyon sa suspek sa pamamaril sa isang barangay chairman at misis nito sa Brgy. Luzviminda, Cavite City.

Sa nasabing halaga, P50,000 ang manggaga­ling kay Congressman Barzaga at P50,000 mula sa nasabing alkalde.

Matatandaan na pi­nag­babaril kamakalawa habang sakay ng barangay patrol sina Benjamin Macalalad Marcha, 52, incumbent chairman ng Brgy. Luzviminda 1, at nagwagi muling tserman sa katatapos na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), at misis nitong si alias Loida.

Inoobserbahan pa rin ang mag-asawang Marcha sa pagamutan dahil sa mga tinamong mga tama ng bala sa katawan.

Sa isang nakalap na CCTV footage ng pulisya, nakita pa ang suspek kung saan inaabangan ang mag- asawa at bumili pa sa tindahan kung saan siya malinaw na nakunan ng CCTV ca­mera.

Show comments