Drug dealer tiklo sa P.4 milyong shabu

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang isa umanong drug dealer sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Cuta, Batangas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si alias Macatay,na nakatala na  High Value Individual sa lalawigan ng Batangas at nasamsam ang 11 piraso ng plastic sachet na naglalaman umano ng shabu na may timbang na 60.97 gramo na nagkakahalaga ng P420,693.

Sa ulat, alas-10:23 ng gabi nang isagawa ang buy-bust sa Barangay Cuta, Batangas City nang tanggapin ng suspek sa isang undercover agent na nagpanggap na buyer.

Show comments