Ginang utas sa bugbog at hataw ng dyowa

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang biktimang si Perly Esperon, residente ng Abutin Compound, Brgy. Tejeros Convention, Rosario, Cavite.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit ng 31-anyos na ginang matapos na ‘di na­kayanan ang ina­bot na matinding pambubugbog at mga hataw sa katawan at ulo ng kanyang kina­kasama makaraan ang mainitang pagtatalo kamakalawa ng gabi sa Brgy. Poblacion, bayan ng Rosario, dito sa lalawigan.

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang biktimang si Perly Esperon, residente ng Abutin Compound, Brgy. Tejeros Convention, Rosario, Cavite.

Arestado naman ang suspek na si Arthur  Borbe, 32-anyos, residente rin sa na­sa­bing lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nakatanggap sila ng tawag mula sa Rosario Maternity Medical and Emergency Clinic hinggil sa may dinala umano sa kanilang isang babae na wala nang buhay.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, alas-11:30 nang maganap ang insidente sa bahay ng biktima sa Brgy. Poblacion, Rosario. Nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang mag-live in partner na nauwi sa pambubugbog ng suspek sa biktima hanggang sa mawalan ng malay.

Itinakbo pa ng suspek sa nasabing pagamutan ang biktima subalit idi­neklara nang dead-on-arrival na sanhi ng mga tinamong matitinding bugbog at hataw ng matigas na bagay sa iba’t ibang parte ng katawan, mukha at ulo.

Arestado naman ng pulisya ang suspek na na­haharap sa kasong kasong homicide.

Show comments