^

Probinsiya

Magkumare nasapol ng kidlat sa bukid, 1 patay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MILAOR, Camarines Sur, Philippines — Nangisay ang isang babaeng magsasaka habang nakaligtas ang kanyang kumare matapos silang tamaan ng kidlat habang nasa bukid sa Brgy..Tarusanan, Milaor, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.

Agad nasawi dahil sa lakas ng boltahe ng kuryenteng tumama sa katawan ang biktima na kinilalang si Sonia Petronio, 57-anyos, residente ng Zone-2, Brgy.Tarosanan ng bayan ng Camaligan.

Sa kuwento ni Mila Francisco, kumare ng biktima na kasama sa pagtatanim, dakong alas-2 ng hapon, katatapos pa lang nilang maghasik ng palay kaya niyaya na niyang umuwi ang biktima.

Magkalapit lang umano sila ni Petronio na nakatindig sa may sagingan nang biglang kumidlat. Namalayan niyang nakasalampak na siya sa lupa habang nakahandusay naman ang kumare niya na nasapol ng kidlat.

Nang mahimasmasan ay mabilis na humingi ng saklolo si Francisco sa mga residente at agad namang nagpadala ng responde ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

Isinugod pa sa isang ospital sa Naga City ang biktima pero kalauna’y idineklarang patay.

vuukle comment

CAMARINES SUR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with