Putol na paa, natagpuan sa dam

CAVITE , Philippines — Isang putol na paa ng tao ang natagpuang palutang-lutang sa isang dam, kamakalawa ng hapon sa Brgy. Molino 3, Bacoor City.

Hindi pa matukoy ng pulisya kung ang nasabing putol na paa ay mula sa isang babae o lalaki hinggil sa bloaded na ito sanhi ng tagal nang pagkababad sa tubig.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:30 ng hapon nang makita ng isang estudyante na si Ryan Salas ang palutang-lutang na putol na paa sa dam ng Town and Country Homes, sa Brgy. Molino 3, Bacoor City, Cavite.

Sa pahayag ng estudyante, naglalakad umano siya sa gilid ng dam nang makita nito ang putol na paa na nakalutang kaya agad niyang inireport sa duty guard ng nasabing subdivision na itinawag naman sa pulisya.

Show comments